Pumalo na sa mahigit 3,400 ang mga naaresto ng pulisya dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban.
Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP, 96 na porsyento ng mga nahuli ay pawang mga sibilyan.
Dagdag pa ng pulisya, hindi bababa sa 34 kada araw ang kanilang nahuhuli dahil sa nasabing paglabag.
Karamihan anila sa mga ito ay nahuhulihan ng tunay na baril, bala, granada, patalim gayundin ang replica ng baril na mahigpit ding ipinagbabawal.
By Jaymark Dagala