Umabot na sa 60 ang kabuuang bilang ng mga naaresto sa paglabag ng umiiral na election gun ban sa Metro Manila.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, narekober mula sa mga naaresto ang mahigit 50 firearms, dalawang granada, at iba’t ibang uri ng nakamamatay na armas.
Nagsagawa na ng mahigit 1,000 bilang ng mga checkpoints ang pulisya mula noong nagsimula ang election period noong ika-13 ng Enero.
Samantala, maaari namang dumulog sa tanggapan ng COMELEC o Commission on Elections ang mga kuwalipikadong mamamayan para humiling ng certificate of authority para sa gun ban exemption.