Umakyat na sa 583 ang mga naaresto ng PNP na lumabag sa gun ban kaugnay sa may 2022 elections.
Ayon sa PNP, nakuha sa 16 na bagong naaresto ang mga armas, 26 na bala at 10 deadly weapon.
Ang mga bagong lumabag sa gun ban ay nakatira sa Calabarzon, Central Visayas, Bicol, Central Luzon, Cagayan, Northern Mindanao, at National Capital Region.