Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na sundin pa rin ang mga umiiral na patakaran at panuntunan upang maiwasan ang COVID-19.
Ito’y matapos makapagtala ang PNP ng nasa 8,388 na mga bagong lumabag sa quarantine protocols sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 2.
Dahill dito, sumampa na sa kabuuang 36,736 ang bilang ng mga lumalabag o quarantine violators sa buong bansa kung saan ay 64% dito ang binigyan ng babala.
34% naman sa mga ito ang pinagmulta habang may 3% sa mga ito ang ipinagharap ng ibang parusa. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)