Libo-libo ang nahuli ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mga indibidwal na lumabag sa pagsusuot ng facemask at paglabag sa ilang health protocols .
Ito’y matapos makapagtala ang DILG ng mahigit 44,000 lumabag sa COVID-19 protocols mula noong ika-12 hanggang ika-16 ng Mayo.
Sa naturang bilang, 30,000 ang hindi nagsusuot ng face mask, 10,000 ang hindi sumusunod sa physical distancing habang nasa 500 ang lumabag sa mass gathering.
Sinabi pa ni Ano, magandang trend ito dahil pumapasok sa isipan ng publiko na kailangan magsuot ng mask upang maiwasan ang transmission ng virus.
Samantala, pinaalalahan ng pamahalaan ang publiko na huwag maging kampante at sumunod sa mga health protocols at patuloy na isuot ng maayos ang facemask at face shield upang hindi tumaas ang bilang ng COVID-19 sa bansa. — sa panulat ni Rashid Locsin.