Nakapagtala ng 1,178 kataong lumabag sa ikinasang household lockdown, curfew at liquor ban ang lokal na pamahalaan ng Pampanga.
Ito ay matapos lamang ang tatlong araw na implementasyon ng mas mahigpit na polisya sa probinsiya bilang pagkontrol sa pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Pampanga Governor Dennis Pineda, local transmission nang maituturing ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan kaya’t ipinanawagan nitong proteksyunan ang bawat tahanan.
PUBLIC ADVISORY | Bilang ng mga mga naaresto sa paglabag sa Executive Order No. 5 Series of 2021 na nilagdaan ni Governor Dennis “Delta” Pineda.
As of March 22, 2020, 7 PM
: Pampanga PPO
Posted by Pampanga PIO on Monday, 22 March 2021
Matatandaang, pumalo na sa 8,858 ang kabuuang kumpirmadong kaso sa probinsya a 456 na ang lahat ng nasawi mula sa mga bilang na ito.— sa panulat ni Agustina Nolasco