Umaabot sa 20 residente ng Sampaloc ang naaresto ng mga otoridad sa unang gabi ng pagpapatupad ng hard lockdown sa nabanggit na distrito sa Maynila.
Ayon kay Sampaloc Police Commander Lt. Col. John Guiagui, dinala ang mga naaresto sa mga barangay covered court na nagsisilbing detention facilities para sa mga lumalabag.
Aniya, doon nagpalipas ng magdamag ang mga inaresto kung saan pinapanood sila ng mga videos tungkol sa coronavirus disease (COVID-19).
Magugunitang, nagpasiya si Manila Mayor City Isko Moreno na isailalim sa 48 oras na hard lockdown ang Sampaloc dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Sinimulang ipatupad ito, 8:00 ng kagabi at tatagal hanggang 8:00 rin ng gabi bukas, Abril 25.