Pumapalo na sa halos 10,000 ang bilang ng mga naitalang lumabag sa patakaran ng pamahalaan sa pag-angkas sa motorsiklo.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, karamihan sa mga nahuling lumabag ay mga magka-angkas sa motorsiklo pero hindi mag-asawa o live-in partners.
Sinabi ni Año, mahihirapan ang pamahalaang magpasiyang payagan na sa hinaharap ang backriding ng magkapamilya kung sa kasalukuyan ay marami pa rin ang mga lumalabag sa protocol.
Dagdag pa ng kalihim, kinakailangan ding masanay ang mga riders sa paggamit ng mga barriers sa motorsiklo para sa pagpapahintulot na rin ng pag-aangkas ng mga magkakapamilya sa hinaharap.
Muli namang iginiit ni Año na ligtas gamitin ang dalawang aprubadong disenyo ng motorcyle barriers basta’t masusunod rin ang limit sa bilis ng pagpapatakbo nito.
Samantala, mayroon na lamang hanggang Hulyo 31 ang mga riders para magkabit ng mga motorcylce barriers.