Pumalo na sa 19,014 ang bilang ng mga lumalabag sa quarantine protocols sa Metro Manila nasa alert level 3 na ito.
Batay sa datos ng PNP nasa 10,807 na ang kabuuang bilang o katumbas ng 55% ang nabigyan lamang ng babala.
Nasa 6,750 o katumbas ng 36% naman rito ang pinagmulta habang mahigit 1,000 ang napatawan ng ibang parusa
Kabilang sa mga naitalang paglabag ay ang hindi pagsunod sa mga health protocol, paglabag sa curfew hours at ang paglabas ng mga hindi APOR o authorized person outside of residence.