Umakyat na sa 242 ang kabuuang bilang ng mga nahuling lumabag sa pina-iiral na election gun ban ng COMELEC sa buong bansa
Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes, kung saan nakapagtala ng 20 bagong lumabag kabilang na ang isang sundalo.
Nagmula ang mga naitalang lumabag sa National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.
Nasamsam ng awtoridad sa kanilang operasyon ang may 14 baril, 4 deadly weapons at 116 na mga bala.
Umabot naman sa 38,279 ang isinagawang checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagpapatupad ng gun ban.