Magka-kampo ng 5 araw sa University of the Philippines (UP) Diliman ang grupo ng mga Lumad na nag caravan mula pa sa Mindanao.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan, bahagi ito ng protesta at panawagan sa pamahalaan na itigil ang militarisasyon sa lugar ng mga Lumad sa Mindanao.
Sinabi ni Reyes na marami nang lider ng Lumad ang pinatay nang walang kalaban laban kayat marami na rin ang lumikas sa ibang lugar upang iligtas ang kanilang mga sarili.
October 21 nagsimula ang caravan ng mga Lumad na nagtapos sa Baclaran church sa Paranaque bago nagtungo ng mendiola at UP Diliman.
“Yung mga Lumad napakatindi na nang kanilang pinagdaanan, marami sa kanila ngayon ay nabubuhay bilang evacuees, mga internal refugees. Hindi sila makabalik sa mga komunidad dahil sa nagaganap na militarisasyon. my mga eskwelahan silang pilit na ipinasara, may mga kasamahan sila, na naging biktima na ng extrajudicial killings.” Pahayag ni Reyes.
By: Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit