Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampasaherong jeep na lumahok sa transport strike ng grupong Stop and Go Coalition kahapon.
Sa panayam ng programang “Ratsada Balita”, sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na mag-iisyu sila ng show cause order upang pagpaliwanagin ang mga ito kung bakit hindi dapat makansela ang kanilang prangkisa.
Ipinabatid ni Lizada na mayroon silang hawak na mga litrato na kuha ng mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at inspectors ng LTFRB mula sa ground.
Tukoy na aniya nila kung sinu-sino ang mga nagmamay-ari ng certificate of public convenience na lumahok sa naturang welga.
“We will still hear them out but definitely sanctions will be imposed”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Aileen Lizada
Taxi fare hike
Samantala, binigyan ng sampung (10) araw ng LTFRB ang tatlong taxi operators para magsumite ng kanilang position paper.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, ito’y may kaugnayan sa hirit na P40 flagdown rate sa taxi.
Kabilang sa mga petitioner ang PNTOA o National Taxi Operators Association, Cebu Taxi Operators, at Panay Taxi Operators.
“Magfa-file pa sila ng position paper… kaya po hindi pa po tayo 40 pesos.”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Aileen Lizada
Related Article: (READ) Provisional order sa fare hike sa jeep pipirmahan ngayong araw
By Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)