Kokonsensyahin ng mga barangay officials ang mga hindi sumusunod sa health standards para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Leo Olarte ng Clean Air Philippines Movement, sa halip na pagpapahiya na labag sa batas ay sundutin na lamang ang konsensya ng mga pasaway na sila ang dahilan ng pagkalat ng COVID-19.
Tinawag ni Olarte ang programa na konsensya ng bayan na inilarawan niya bilang band wagon approach kontra COVID-19.
Magro-ronda yung mga barangay officials, sabihin nating sana makonsensya kayo kung hindi niyo susundin yung minimum health standards, social distancing, maghuhugas ng kamay, laging gagamit ng facemask so, magba-bandwagon tayo,” ani Olarte. — panayam mula sa Ratsada Balita.