Nahaharap sa multang aabot sa isang milyong piso ang mga establisimiyentong lumalabag sa SRP o Suggested Retail Price.
Babala ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa lahat ng mga supermarket at groceries na nagpepresyo ng lampas lampas sa SRP sa kanilang mga panindang produkto.
Ayon kay DTI Undersecretary Teodoro Pascua, normal pa ang suplay ng mga noche buena items kayat walang dahilan para magtaas ng presyo.
Una rito, sunod sunod na inspection ang isinagawa ng DTI sa mga grocery stores para tiyaking walang lumalabag sa SRP.
Dalawang grocery stores sa Mandaluyong ang binalaan dahil sa hindi paglalagay ng tamang price labels sa kanilang mga paninda.
By Len Aguirre