Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga lumalabas ng Metro Manila na sumailalim din sa self-quarantine.
Ito’y para matiyak na ligtas sila mula sa sakit na dulot ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) lalo’t dagsa ang mga biyahero sa nakalipas na dalawang araw na exodus.
Sa panayam ng DWIZ kay PNP Deputy Chief for Administration P/LtG. Camilo Cascolan, posible pa rin aniya kasi na makaranas ng sintomas ang isang lumabas ng Metro Manila kahit asymptomatic o wala silang naranasang sintomas ng sakit.
Bilang isang responsableng mamamayan, sinabi ni Cascolan na mahalagang magampanan ng lahat ang kanilang bahagi upang mapigilang kumalat pa ang nasabing sakit.
I would advise them to have self quarantine, siguro ang maganda d’yan, pag lumabas ka, galing ka ng Manila, much better siguro you have a self-quarantine, para sa safety mo ‘yan at sa safety ng mga magiging kasama mo,” ani Cascolan. —sa panayam ng DWIZ.