Sisimulan na ng Philippine Navy ang Decommissioning o pagreretiro sa mga luma nitong barko upang magbigay daan para sa mga bagong barkong paparating para sa kanila
Ayon kay Rear Admiral Giovannie Carlo Bacordo, ang Commander ng Philippine Fleet, ngayong araw sisimulan ang decommissioning ng BRP Sultan Kudarat matapos ang 43 taon nito sa serbisyo
Nabatid na orihinal na na-commission sa US Navy bilang USS Crestview nuong october 30 1943, pormal na na-commission sa Philippine Navy bilang BRP Sultan Kudarat nuong Hulyo 27,1976
Sinabi ni Bacordo, masusundan pa ito ng pagreretiro ng isa pang kahalintulad na Patrol Craft Escort ngayong taong ito at magtutuluy-tuloy hanggang sa magretiro na ang lahat ng mga lumang barko ng Navy