Mahigit dalawandaang libo (200,000) katao na ang lumikas sa krisis sa Marawi City.
Ipinabatid ito ng ARMM-HEART o Autonomous Region in Muslim Mindanao Humanitarian Emergency Action and Response Team sa gitna nang patuloy na monitoring at relief distribution ng ARMM government.
Ayon sa ARMM, siyamnapu’t dalawang (92) public schools at siyamnapung (90) private schools and apektado nang bakbakan ng mga sundalo at Maute Group.
Samantala, naglagay na rin ng command and coordination center ang ARMM government mula sa Provincial Capitol ng Marawi City at Iligan City, Malabang, Lanao del Sur at Cotabato City para kaagad mabigyan ng tulong ang mga evacuee.
Bumuhos din ang tulong mula sa iba’t ibang grupo, sektor, LGU at mamamayan na dinala sa tanggapan ng ARMM-HEART sa Cotabato City.
Nagliligtas din ang ARMM-HEART ng mga naipit na sibilyan at retrieval operation sa mga labi sa Marawi City.
Sa gitna na rin ito nang patuloy na pag-aayuno ng volunteers dahil karamihan sa kanila ay mga kapatid na Muslim na nag-oobserba sa Holy Month ng Ramadan.
By Judith Larino
Mga lumikas dahil sa Marawi crisis umabot na sa higit 200,000 was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882