Nasa maayos nang kalagayan ang Lalawigan ng Cagayan matapos manalasa ang bagyong Neneng sa Northern Luzon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Ruely Rapsing na nakabalik na sa kani-kanilang bahay ang mga lumikas.
Nilinaw din niya na ang Multi-Purpose Hall ang kanilang ginamit bilang evacuation centers sa halip na mga paaraalan.
May ilan ding aniyang bahay na naapektuhan pero partialy damage lamang ang mga ito.
Binigyang-diin naman ni Rapsing na patuloy pa rin ang pamamahagi nila ng tulong sa mga residente ng kanilang lalawigan na apektado ng nasabing bagyo.