Bahagyang nadagdagan ang mga residenteng lumikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Lito Castro, Head ng Batangas PDRRMO, umakyat na sa 464 ang pamilyang lumikas mula sa mahigit 300 pamilyang naitala noong isang araw, katumabas ito ng 1800 indibidwal.
Kabilang sa mga residenteng lumikas ay mula sa bayan ng Agoncillo at Laurel.
Sinabi ni Castro na ilan sa mga lumikas ay nananatili sa mga evacuation center habang ang iba ay piniling manatili sa kanilang mga kamag-anak.
Mayroon din aniyang mga residente na pinili nang lumikas at nagtungo sa ibang bayan bagama’t hindi sila sa kasama sa forced evacuation.