Tumulong na rin sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ito ay matapos tumama kahapon sa Abra at ilan pang bahagi ng luzon ang magnitude 7 na lindol.
Ayon kay Michael Manuel, pinuno ng MDRRMO, nag-deploy na sila ng 20 tauhan sa CAR na binubuo ng medical at rescue teams.
Dala ng mga ito ang rescue trucks, water tanker, logistics truck at isang ambulansiya.
Samantala, sinabi ni Manuel na bahagi ng “Oplan-Yakal” ang gagawing pagresponde ng Metropolitan Manila Development Authority.