Siniguro ng Department of Transportation o DOTr na pagkakalooban ng malilipatang tahanan ang higit isang daan at limangpung (150) pamilyang maaapektuhan ng itatayong Southwest Integrated Terminal Project sa Parañaque City.
Ayon kay Presidential Commission on Urban Poor General Counsel Jon Jamora, bahagi ito ng ‘commitment’ ng administrasyong Duterte na walang demolisyon kapag relokasyon sa gitna ng pagsisimula ng tinatawag na ‘Golden Age of Infrastructure’.
Kasama din dito ang isang bilyong ‘social preparation fund’ para sa higit isang daang libong mga pamilyang apektado naman ng south rail project mula Tutuban hanggang Bicol.
Sinabi pa ni Jamora na sana ay maging urban poor compliant din ang iba pang infrastructure project ng gobyerno tulad ng MRT – 7, National Housing Authority’s Vertis North, NLEX Expansion at C6 Road.