Kinakailangang fully vaccinated o nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 at mag-negatibo rin sa COVID-19 test result.
Ito ang pangunahing resikitos sa mga dadalong mambabatas mula sa senado at kongreso, mga tauhan nito at iba pang mga indibidwal na dadalo sa huling State Of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.
Sang-ayon sa abiso na inilabas ng tanggapan ni Senate Secretary Atty. Myra Villarica, kinakailangan lamang mag-prisinta ng mga senador at mga tauhan nitong dadalo ng personal ng kanilang mga vaccination cards na nagsasaad na kanilang natanggap ang ikalawang dose dalawang linggo bago ang pagtitipon.
Samantala, matapos na mag-negatibo sa RT-PCR test ang mga dadalong mambabatas ay kinakailangan ng mga itong sumailalim sa isa pang antigen test na isasagawa naman ng mga kawani ng Presidential Security Group (PSG) sa loob ng batasang pambansa complex.