Makatatanggap pa rin ng ayuda ang mga residenteng maaapektuhan ng granular lockdown sa NCR.
Ito ang tiniyak ni Metro Manila Chairman Benhur Abalos sa bawat lokal na pamahalaan kung saan aniya’y may pondong nakalaan para sa pagbibigay ng assistance.
Sinabi rin niya na maaaring humirit ang mga lgu ng karagdagang tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa labing anim (16) na mga lugar sa Metro Manila ang na sa ilalimngayon ng naturang lockdown. —sa panulat ni Airiam Sancho