Iminungkahi ng National Youth Commission (NYC) na paghiwalayin ang classroom ng mga babae at lalake mula grade 7 hanggang grade 12.
Ito ay matapos lumabas ang panibagong report ng tumataas na kaso ng teenage pregnancy at HIV sa bansa.
Ayon kay NYC Chairperson Ryan Enriquez, maraming mga mag-aaral ang nasa grade school pa lamang ay pumapasok na sa relasyon.
Kung magkahiwalay aniya ang classroom ng babae at lalake, hindi sila magkakasama sa mga proyekto at maiiwasan ang mag overnight para matapos ang mga proyekto.
Dagdag pa nito, mas maituturo at mapag-uusapan ng maayos ang sex education sa ganitong classroom set up.
Matatandaang nasa halos 200,000 kabataan na may edad 15 hanggang 19 ang nabubuntis kada taon.