Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na walang age restriction sa mga mag-aaral na papayagang lumahok sa face-to-face classes sa tertiary level.
Ayon kay CHED chairman Prospero De Vera III, lahat naman sa ngayon o ‘yung mga freshman ay nasa 18 years old at higit pa dahil sa K to 12 basic education program.
Ibig sabihin aniya’y lahat ng mga estudyante sa kolehiyo ay nasa hustong gulang na.
Sinabi pa ni De Vera na bukod sa mga mag-aaral, tanging faculty members na nakatanggap na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 ang maaaring lumahok sa face-to-face classes habang ang mga estudyante na hindi pa bakunado ay maaaring ipagpatuloy ang pag-aaral sa papamagitan ng online class at iba pa sa ilalim ng flexible learning.
Sa ngayon, nasa 313 Higher Education Intitutions (HEIs) at mahigit 1,000 degree programs ang nagsasagawa ng naturang klase sa tertiary level.—sa panulat ni Airiam Sancho