Patuloy na nahuhuli ang mga estudyanteng Pilipino sa mathematics, science, at reading comprehension.
Ito’y batay sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment na isinagawa ng Organiazation for Economic Co-operation and Development.
Sa walumpu’t isang bansang lumahok sa PISA, nasa ika-anim na pwesto ang Pilipinas sa pinakamababa sa naturang pag-aaral, sa kabila ng pag-akyat ng score ng bansa sa reading comprehension at math.
Kaugnay nito, umakyat ang score ng Pilipinas sa 355 points sa math, kumpara sa 353 points noong 2018, habang tumaas din ang score ng bansa sa 347 points sa reading compresension, kumpara sa 340 points noon.
Habang bahagyang bumaba ang score ng mga estudyanteng Pilipino sa science sa 356 points, kumpara sa 357 points noong 2018.
Itinuturing ang test score result ng mga Pilipinong mag-aaral na mas mababa sa average ng OECD na 487 points. - sa panulat ni Charles Laureta