Nasa maayos nang kalagayan ang tinatayang nasa 600 mga mag-aaral ng Mindanao State University.
Ito’y makaraang ma-trap ang mga ito sa loob ng naturang pamantasan sa kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute Terrorist Group sa Marawi City.
Ayon kay Lt/Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng 1st infantry division ng Philippine Army, nai-uwi na ng ipinadala nilang sasakyan ang mga mag-aaral makaraang matiyak na wala sa paligid ng unibersidad ang mga bandido.
Gayunman, kinakailangang maisailalim sa stress debriefing ang ilan sa mga mag-aaral dahil sa matinding trauma na kanilang inabot sa kasagsagan ng bakbakan.
By: Jaymark Dagala