Binalaan ng Commission on Elections o COMELEC ang publiko na iwasan ang pagboto ng sobra sa May 13 midterm polls.
Ayon kay COMELEC-Education and Information Director, Atty. Frances Arabe, halimbawa na lamang sa mga senatorial candidate kung saan hindi dapat sumobra sa 12 ang ihahalal.
Hindi anya bibilangin ng mga makina at posibleng maging invalid ang boto sa sandali anyang mag-overvote.
Hinimok naman ni Arabe ang publiko na magdala ng listahan ng mga plano nilang iboto upang maiwasan ang overvoting.