Hindi makikialam o hahadlang ang gobyerno sa mga nakalinyang rally at kilos protesta ng mga militanteng grupo sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.
Ayon kay Pangulong Duterte, malaya ang mga militante na magdaos ng kilos protesta at anumang aktibidad dahil mayroon namang demokrasya sa bansa.
Aminado ang punong ehekutibo na isa siya sa mga tagpagtaguyod ng kalayaan para mailabas ang mga hinaing sa gobyerno kaya’t walang hahadlang sa mga ito.
Gayunman, may pakiusap ang Pangulo sa mga raliyista at ito ay iwasang lumabag sa batas at humarang sa traffic at maka-aasang walang makikialam sa kanilang mga aktibidad.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Mga mag-rarally sa araw ng SONA di umano hahadlangan ng gobyerno was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882