Makakatanggap ng dagdag na financial assistance mula sa pamahalaan ang tinatayang 200 magbababoy na apektado ng ASF o African Swine Fever sa San Simon, Pampanga.
Ayon kay San Simon Mayor Abundio Punsalan Jr., hanggang 30,000 piso ang makukuhang loan ng mga hog raisers na nawalan ng 20 o mas konti pa na alaga dahil sa culling o maramihang pagpatay ng kanilang mga baboy.
Pahayag ng alkalde, ang zero-interest loan na maaaring bayaran ng hanggang tatlong taon ay handog ng Agricultural Credit Policy Council, bukod pa sa kompensasyon o indemnity pay na itinaas mula 3,000 hanggang 5,000 piso.