Papayagang makapasok sa NCR plus bubble ang mga magbabiyahe pa ibang bansa.
Ayon ito kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon sa gitna na rin nang pinaiiral muli na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal.
Una nang inanunsyo ng DOTr ang restrictions sa public transportation sa isang linggong ECQ sa greater Manila area.