Bibigyan ng 1-day unlimited pass at libreng hand sanitizers ang mga pasaherong magpapaturok ng ikalawang booster dose sa LRT-2 Araneta-Cubao station.
Ayon sa Light Rail Transit Authority o LRTA, bukas ang libreng bakuna tuwing Lunes mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon para sa mga senior citizens, immuno-compromized individuals, at health workers.
Sinabi ng LRTA na lalong tumataas ang kaso ng nakakahawang sakit kaya mas mainam kung makapagpabakuna na dahil hindi parin nawawala ang banta ng COVID-19 sa bansa.