Para sa mga balak mag-resign!
Alam niyo ba na maaari pa rin kayong makatanggap ng 13th month pay kahit umalis na kayo ng trabaho nang hindi pa sumasapit ang Disyembre.
Alinsunod sa Handbook on Workers’ Statutory Monetary Benefits ng Department of Labor and Employment (DOLE), required ang lahat ng employers na magbigay ng 13th month pay sa kanilang rank-and-file employees anuman ang katayuan nito sa kumpanya.
Makatatanggap din ng benepisyo ang mga tinanggal sa trabaho alinsunod sa Presidential Decree no. 851.
Katumbas ang 13th month pay ng buwanang sahod ng isang empleyado.
Maikokonsiderang rank-and-file ang isang empleyado kung nasa ibaba sila ng managerial position.
Nagpaalala naman ang DOLE na iba ang 13th month pay sa Christmas bonus, dahil desisyon na ng kumpanya kung magbibigay din nito.