Isang mala-diablong effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihanda ng mga grupong magsasagawa ng kilos protesta ngayong International Human Rights Day.
Ayon kay Isis Molintas miyembro ng Ugat Lahi, ang naturang effigy ay sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng bansa sa gitna ng tumitinding krisis sa ekonomiya at kalusugan dahil sa pandemya.
Ipinunto rin ni Molintas ang masyadong pagbibigay pansin ng pangulo sa militarisasyon at pang-aabuso sa karapatang pantao sa halip na ituon ang atensyon sa mas malalaking problema ng bansa.
Kasabay nito, hinikayat ni Molintas ang publiko na tumindig at sumagot sa iba’t-ibang hamon sa lipunan gaya ng ginagawa nila kung saan idinadaan sa sining.