Nagbabala sa publiko ang Philippine National Police (PNP) sa mga nais magsagawa ng kilos-protesta sa papalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay sa kabila ng pagpapatupad ng “Maximum tolerance” ng ahensya para sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge P/LT. Gen. Vicente Danao Jr., kanilang aarestuhin ang mga raliyistang hahambala sa daloy ng trapiko at maninira ng mga property o ari-arian ng pamahalaan.
Matatandaang nitong Mayo a-25, nang iproklama sina BBM at Vice President-elect Inday Sara Duterte-Carpio nang maitala ang ilang kilos protesta kung saan, kinondena ng Anakbayan at Commission on Human Rights (CHR) ang paggamit umano ng mga water cannon ng mga nagprotesta.