Inihayag ng gobyerno sa Iran na kanila nang sisimulan ang pagbitay sa mga magsasagawa at masasangkot sa mga rally at iba pang aktibidad.
Kasunod ito ng malakihang kilos protesta matapos ang pagkamatay ng isang babae na hinuli ng mga morality police dahil umano sa hindi pagsusuot o maling pagsusuot ng hijab.
Matatandaang hinatulan si Mohsen Shekari ng revolutionary court kung saan, umapela ito ngunit hindi pinagbigyan ng supreme court na nagresulta naman sa kaniyang kamatayan.
Umabot sa 475 katao ang nagprotesta sa pagkamatay ni Shekari habang nasa 18,240 naman ang naaresto ng mga otoridad.
Ayon sa Iranian government, maaari pang masundan ang pagbitay sa mga raliyista kung saan, sampu na ang kasalukuyang nililitis matapos umanong magkasala sa Diyos.