Inamin ng Department of Agriculture na hindi lahat ng magsasaka ay mabibigyan ng ayuda sa gitna ng mataas na presyo ng abono o fertilizer.
Ipinaliwanag ni agriculture assistant secretary Noel Reyes na dapat rehistrado sa farmers registry at mababa sa dalawang ektarya ang sinasaka ng mga dapat bigyan ng ayuda.
Sa kabila nito, posible naman anyang mapalawig ang programa at mayroon pang P8.9-B para ngayong taon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa China para sa concessional terms para sa loan sa importasyon ng fertilizer lalo’t apektado ng giyera ng Russia at Ukraine ang produksiyon ng abono kaya tumaas ang presyo nito.