Makatatanggap ng 5,000 piso mula sa gobyerno ang mga magsasaka simula sa Disyembre 23.
Ang naturang halaga ay bilang cash grant sa mga magsasakang pinaka naapektuhan ng mababang presyo ng palay bunsod ng umiiral na Rice Tariffication Law.
Ayon sa Department of Agriculture, kanilang ipamamahagi ang ayuda sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines o Development Bank of the Philippines.
Bumuo naman ng panuntunan ang ahensya para matukoy ang mga benepisyaryong sakop ng Rice Farmer Financial Assistance Program.