Makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa provincial government ng La Union ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng matinding tagtuyot.
Sa ilalim ng Agricultural Emergency Trust Fund, mabibigyan ng cash assistance na P8,000 hanggang P10,000 ang mga magsasaka at mangingisda na mayroong bahagya o kabuuang pinsala sa kanilang kabuhayan.
Tinatayang tatlong daan ang matutulungan ng naturang ordinansa na mayroong pondo na P3 million.
Upang makakuha ng tulong pinansyal, kailangang magpadala ng application letter at duly-accomplished application form sa Office of Provincial Agriculturist (OPAG).
Ii-endorso ito sa tanggapan ng agrikultura ng lungsod o munisipyo na magsasagawa ng validation upang matukoy ang aktwal na pinsala na dulot ng El Niño phenomenon.