Aabot sa P108-M ang inilaan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Ito’y para sa mahigit 12,000 magsasaka at mangingisdang naka-insured sa PCIC at apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Samantala, may nakahanda ring P30-M pautang ang agricultural credit policy council ng DA para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Aabot sa 25,000 ang maaaring makuhang pautang ng mga apektado at maaari naman itong bayaran sa loob ng tatlong taon ng walang interes. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)