Tiniyak ng Department of Agriculture ang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Kabilang sa ipamamahagi ng DA ang libreng punla at fingerlings habang may nakalaan ding Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Maaari ring mangutang ang mga nasalantang magsasasaka ng hanggang P25,000 nang walang interes sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program.
Batay sa datos ng Kagawaran, mahigit 53,000 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Hanggang kahapon, umabot na sa P2.7-B ang pinsala ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura.