Dapat magbigay ang pamahalaan ng emergency cash assistance sa mga magsasakang naapektuhan ng Rice Tarrification Law.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan kailangan ay mayroong 20 bilyong emergency fund dahil halos P60-B na ang lugi ng mga lokal na magsasaka.
Nais ng Senador na amyendahan ang Rice Tarrification law gamit ang isang joint resolution ng kongreso para asistehan ang mga magsasaka.
Hinikayat din ni Pangilinan na gumawa ng inter-agency task force para imbestigahan ang mga rice traders na umano’y sangkot sa rice smuggling.