Mahigit 55,000 kilos o nasa 1.4 -M ang halaga ng naibenta na highland vegetables ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 sa pagpapatuloy ng Buying Rescue Program.
Batay sa tala ng DA RFO-2, kabilang na sa nakapag ambag ay ang mahigit 38,000 kilo ng reployo, chinese petchay at iba pa., na may kabuuang P 1.1- M; kabilang na rin ang 10,000 kilo sa DA-Agr- ibusiness Marketing Assistance Division; 1,880 sa happy farmers coop; 2,058 kilos sa greeners cooperative.
Ikinatuwa ni OIC Regional Executive Director Rose Mary Aquino, ng DA-RFO2 ang magandang accomplishment na ng ahensya para matulungan ang mga magsasaka.
Kasunod nito, nanawagan ang OIC Regional na magtulungan ang bawat sektor upang maibsan ang problema sa merkado ng mga agricultural products sa rehiyon.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DA RFO-2 sa mga lokal na pamahalaan, national agencies at pribadong sektor upang maagapan ang pagtatapon na naman ng mga produkto na hindi nabebenta.
Matatandaang dumagsa ang mga gulay sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal dahil sabay sabay ang pag ani ng mga vegetable farmers sa Nueva Vizcaya, Benguet at Ifugao.- – sa panunulat ni Jeraline Doinog