Pinaghahanda na ng Department of Agriculture o DA ang mga organic farmers laban sa La Niña.
Ayon kay Armigenia Benedicto ng office of the provincial agriculturist ng Negros Occidental, ito’y dahil ang mga organikong halaman ang pinaka-lantad sa epekto ng nasabing phenomenon.
Giit ni Benedicto, bagama’t tumatagal ang mga organic crops tuwing tagtuyot, hindi naman ito nakakatagal sa matinding pag-ulan dahil sa malalambot nitong ugat at tangkay.
Dahil dito, pinayuhan ng opisyal ang mga magsasaka na ayusin ang kanilang drainage systems upang hindi sila malugi kapag nagkaroon ng mga pagbaha sa mga sakahan.
By: Jelbert Perdez