Pumipila na ang mga magsasaka sa NFA o National Food Authority para maibenta ng mas mahal ang kanilang mga palay.
Binibili ng NFA sa halagang 17 pesos ang kada kilo ng palay habang 13 pesos lamang sa mga rice traders.
Ayon kay Oftociano Manalo, dating pangulo ng Pangasinan Federation of Irrigators Association, bumagsak ang halaga ng bilihan ng palay kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Law na nagbukas sa bansa sa pagdagsa ng mga imported na bigas.
Aniya, hindi magtatagal ay mamamatay na lahat ng magsasaka dahil sa hirap at dami ng utang.
Noong Pebrero 16 nang lagdaan ng pangulo ang Rice Tariffication Law sa kabila ng pagtutol ng mga magsasaka.