Dumadaing na ang mga magsasaka sa Benguet dahil umano sa epekto sa bentahan ng mga gulay ng pagbabawal sa mga street vendors sa Recto at Divisoria.
Ayon kay Agot Balanoy, general manager ng Benguet Farmers’ Marketing Association, naging matumal ang benta ng mga magsasaka dahil nabawasan ng 30% ang mga bumibili sa kanila mula sa Maynila.
Ani Balanoy, malaki ang epekto ng pagbabawal ng mga nagtitinda sa nabanggit na mga lugar dahil 80% ang kumukuha ng kanilang produkto ay mula sa Maynila habang ang 20% ay mula na sa ibang probinsya.
Dahil dito umano, napipilitan na lamang ang mga magsasaka sa Benguet na ipakain na lang sa baboy o ibigay bilang donasyon sa halip na masayang ang mga ito.
Karaniwang inaangkat ang ilang gulay sa Benguet gaya ng lettuce, repolyo, carrots at patatas.
Magugunitang ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang clearing operations mula sa Recto Avenue at Juan Street sa Divisoria.