Inihayag ng Department Agriculture Regional Field Office-Region 2 (DA-RF02) na magpapatuloy ang subsidy ng fertilizer para sa mga magsasaka sa Cagayan Valley habang nananatiling mataas ang presyo ng farm input sa bansa.
Ayon kay DA-RFO2 Executive Director Narciso Edillo, lumiit ang supply ng fertilizer na nagmumula sa ibang bansa.
Dadag pa ni Edillo na nananatiling mahal ang transport cost at inuuna ng mga bansang gumagawa ng fertilizers ang kanilang domestic agriculture at binabawasan ang quota nito para sa export.
Gayunpaman, binigyang diin ng opisyal, na ang fertilizer program sa ilalim ng Rice Resiliency Project 2 (RRP2) ay masusustinihan upang maipagpatuloy ang produksyon ng palay sa rehiyon ngayong tag-araw na panahon ng pagtatanim.
Samantala, ipinaliwanag din ni Edillo na ang mga magsasaka na dati nang nabigyan ng supply ng libreng binhi at nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng ahensya ay kwalipikadong tumanggap ng supply ng libreng abono mula sa DA. – sa panulat ni Kim Gomez