Nagpapasaklolo na sa pamahalaan ang ilang magsasaka sa General Santos City dahil sa oversupply ng kalabasa.
Halos wala nang kinikita ang mga magsasaka sa lugar dahil ibinebenta na lamang ang mga kalabasa sa halagang P5 ang kada kilo.
Para naman hindi masayang, napagdesisyunan ng ilang magsasaka na ipakain na lamang ito sa kanilang mga alagang hayop.
Sinabi naman ng Department of Agriculture Region 12 na naghahanap na sila ng mga paraan upang matulungan ang mga apektadong magsasaka at pinayuhan ang mga ito na planuhing mabuti ang pagtatanim upang hindi na maulit ang nasabing insidente.