Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga magsasaka sa India laban kay Prime Minister Narendra Modi matapos mabigo sa pangako ang kanilang gobyerno.
Binale-wala ng mga nag-rally ang mga barikada ng mga otoridad dahil sa layuning makapasok sa New Delhi para ipahatid ang kanilang panawagan.
Aabot sa 5K magsasaka ang nagprotesta at nagtipon-tipon sa Capital City para ipakita ang kanilang pagkadismaya kay modi maging sa gobyerno.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang mga farmers na mabibigyan sila ng gobyerno ng minimum support price para sa kanilang mga produkto.
Matatandaang nangako si Modi noong Nobyembre ng nakaraang taon na kanilang iro-roll back ang tatlong farm laws na naglalayong ma-deregulate ang mga produce markets na isa sa mga tumutulong para abusuhin ang mga magsasaka ng ilang korporasyon.