Nagkukumahog na ang mga magsasaka sa probinsiya ng Isabela sa pagpapatuyo ng kanilang mga inaning palay.
Ito ay dahil sa banta ng malakas na ulang dala ng bagyong Marilyn.
Ayon sa ulat, maaaga pa lamang kanina ay isinasako na ng mga magsasaka ang mga inani nilang palay.
Matatandaang kahapon nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn na may international name In-fa.
By Ralph Obina